Lunes, Oktubre 10, 2011



2011 BMW K1600GT
"BIYAHERO"

         Ang isang biyahero ay dapat may lakas ng loob, dahil kung saan ka mapadpad na lugar ay kailangan matalas ang iyong memorya sapagkat narito ang mga panganib. Ikaw ba ay isa ring biyahero? Di ba napakaganda at marami kang matututunan sa palagiang pagbibiyahe.At ang kagandahan dito ay marami kang makikita o mapupuntahang magagandang lugar. At ang hindi mo pa nararating na lugar ay mararating mo dahil ikaw ay isang biyahero. 
        Ayon sa aking karanasan, masaya ako sa aking naging trabaho dahil halos lahat na ng lugar dito sa Metro Manila ay narating ko na. Maganda pala ang trabahong ito dahil dito ako natutong bumiyahe na mag-isa lang at may tapang. Halos din nakapasok na ako sa mga magaganda at malalaking mga gusali na halos ay maipagmamalaki ng ating bansa. Mga lugar na pasyalan nararating ko rin gamit ng aking love kong motorsiklo, at kung saan pa nya ako dalhin ay aking sasamahan, kami ang magpartner sa aming biyahe, at love namin ang isa't isa inaalagaan nya ako at inaalagaan ko rin sya.Ganito pala kasarap ang isang biyahero. O ano pa inaantay mo? Biyahe ka na rin.

Biyernes, Agosto 26, 2011

Isang snatcher este manyakis pala. Pag-uwi ko kagabi (8/25/2011) sa bahay nakita ko mga kapit bahay ko na nakaharang sa daanan, Nang nagtanong ako kung bakit, isang manyakis na nangdakma ng suso ng isang dalaga at yun hinabol at napadpad sya sa aming eskenita at doon wala siyang malabasan kaya nang nahuli sya ng aming kapit bahay agad kinuha ng mga tanod at binugbog pa ng mga kapit bahay namin. Nang tinanong kung bakit nya ito ginawa ang sagot nya may napansin daw kasi sa leeg ng babae at ang akala nya ay necklace ito, sa isip ko siguro tali ng bra nya. At isa pa siguro nung walang makuha ang lalaking dinakma o hinipo na lamang nya ang makinis na magkabilaang bundok na pagmamay-ari ng isang dalaga at nagsisigaw na ito kaya hinabol at binugbog na lamang ang lalaki, isa na rin itong paraan para mabawasan ang mga masasamang elemento ng ating bansa na nakakasira ng imahe sa ating lugar na dapat ay binibisita ng mga turista ngunit ito na ay iniiwasan nila, kaya tayong mga Pinoy magtulungan tayo kung may makita tayong mga masasamang elemento isuplong natin ito sa mga otoridad/pulis para gaganda pa ang imahe ng bansa.

Huwebes, Agosto 25, 2011

journal 2

Ang sarap bumiyahe kaso nakakapagod din, eto ako ngayon tyaga lang para may makain talagang ganyan ang buhay, doble kayod pa nga e kaya naghahanap pa ako ng ibang pagkakakitaan. gusto ko ng mga MLM business kasi may time freedome, walang aagaw sa oras ko, at makakatulong din ako sa mga taong katulad kong may malaking pangarap at gusto ring kumita para sa pamilya. Ang sarap bumiyahe di ba? kaso wala tayong gaanong kalakihang pera para dyan sa mga iniisip kong outing na makasama ang mga mahal sa buhay. Tyaga lang po tayo may mararating din tayo sa biyahe nating ito sumabay na lng tayo sa agos ng buhay.